Masaya ang singer na si Jan Nieto sa pag-absorb sa kanya ng GMA-7 dahil dumami raw ang mga raket niya. In fact, he just came from a commitment sa Macau. Regular na ring napapanood si Jan sa SOP, at malaking boost sa singing career niya ang pagpili sa kanya para kumanta ng theme song ng Kamandag.
"Palagay ko, I was meant for GMA-7," sambit ni Jan nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi ko rin masasabi kung ano ang puwedeng maging kapalaran ko kung nasa Dos ako, pero GMA-7 ang nagbigay ng chance sa akin after Philippine Idol, kaya dapat lang na maging thankful ako sa kanila."
Sa kabila nito, aminado si Jan na nalungkot siya nang mag-decide ang GMA-7 sa pag-absorb ng franchise ng Philippine Idol, which will be re-titled Pinoy Idol, na walang traces ng sinalihan niya noon.
"It will entirely be a new start," banggit ni Jan. "Wala naman akong magagawa, kasi since GMA-7 was able to get the franchise for Pinoy Idol from Fremantle, nasa kanila na ang anumang desisyong gagawin nila.
"Understandable kung bakit parang mag-uumpisa muli sila, dahil nasa mas malaking network na nga ang Pinoy Idol, at wala naman silang kaugnayan sa ABC-5, kung saan nangyari ang Philippine Idol, di ba?" paliwanag niya.
Wala na si Jan sa pamamahala ni Sandra Chavez na siyang in-assign ng Fremantle noon to handle the Top 5 finalists sa nakaraang Philippine Idol, which includes Jan, Gian Magdangal, and Mau Marcelo. Natapos na ang kontrata, and he's on the lookout for an official manager.
"Right now, ang tumutulong sa akin ay si Paolo Bustamante," banggit ni Jan. "So far, okay pa rin, pero iba yung may manager na tututok talaga sa akin."
Mukhang naungusan na rin siya ni Gian Magdangal na mas maganda raw ang exposure sa SOP. Ano ang reaksiyon dito ni Jan?
"That's just fine with me," sabi ni Jan. "Alam mo, wala sa amin ni Gian yung ganyan, na kailangang ma-insecure kami sa isa't isa. In fact, nagbibigay pa siya ng advice sa akin, on how to do some things na may kinalaman sa career ko.
"Kung may trabaho, nire-refer ako ni Gian. He's really my good friend, maski noong nasa competition pa kami sa Philippine Idol. If for others, nakakaungos na si Gian sa akin, that's okay. Alam kong susuportahan din niya ako kung kailangan ko ng suporta, kaya we will be happy talaga sa success ng isa't isa."
Tungkol pa rin sa hindi pagkaka-recognize sa kanila ni Gian as Philippine Idol runners-up, hindi tine-take ni Jan yun against GMA-7.
"Ganito na lang, the fact that Gian and I were absorbed by GMA-7 at tinutulungan nila kami, ibig sabihin, bilib din sila sa talent namin. At na-discover kami talaga sa Philippine Idol. Hindi lang nila hayagang maipalalabas na ganoon, kasi nga, they have the right to do so. GMA-7 na ang may rights from Fremantle, at ngayon nga, nag-a-announce na sila ng auditions. I think, by April, mag-uumpisa na ang competition sa GMA-7 for the Pinoy Idol, kaya ganoon na lang ang tingin ko riyan," pagtatapos ni Jan.
credit: kyupayb
Jan Nieto says GMA-7 has prerogative to give "Pinoy Idol" fresh start
Tags Jan Nieto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment